Friday, March 07, 2003

patapos na ang delubyo... patapos na.... konti na lang...

news flash. alam niyo bang sa Wednesday na ang last day sa bene!!?!?! is this fair at all?!?!?!

ang latest hirit ni mayeul:
"I want to hear complete silence!"
wawa naman pinsan ko, nagtaka tuloy... pano kaya niya maririnig yun? hmmm...

anyway.

oh yes, patapos na ang delubyo. so far kasi rewrites na kami sa journ ngayon. so imagine, yung articles mo na pinagpaguran ng dalawang linggo, babalik sa yo ng puro blue marks... buti na lang hindi red pen ang gamit ni ma'am, kasi talagang madugo sha mag-edit. pero okay lang ako dun. buti pa nga kung may edit marks, ibig sabihin pinatiyagaan niyang basahin. mas maiiyak talaga ako kung malinis na papel na may note na "please re-do everything" sa corner ang ibabalik sa kin, davah?! =)

yes, my course is a very humbling course..

anyway. this week, share ko lang, was one of the ngaragest. (alam ko, wlang word na ganun, inimbento ko lang...) as in. monday, nag-aantay ako sa labas ng session hall ng House of Reps at 4:30pm for somebody to ambush. buti na lang nakita ko si noynoy aquino, mga around 5. so usap kami around forty minutes, at sha na yung subject ko for the personality profile na pinasa ko kahapon, friday.

pero hindi pa yun yun eh. the hard part was... naranasan niyo na yung, meron na kayong data, as in ayan na, kumpleto na, isusulat mo na lang... kaso, hindi mo alam kung alin sa sandamukal na data na yun ang gagawin mong lead/first paragraph!? shet. ganun. monday night. wala. tuesday night. wala. wednesday night. wala. as in natutulog ako in hopes na mananaginip ako ng angle... tas magigising ako, alas-tres ng madaling araw, uupo ako sa harap ng computer screeen - tas mare-realize ko, gash, i'm so sick and tired of word processors na! hehehehe... pero wala pa rin, nada.

so thursday morning, hitsura ko - pakshet! magsulat ka! bukas na ang due nito, gaga!... wala pa rin. pumasok ako, 1130. balik ako boarding house, alas-dos ng hapon. ligo ako, pakshet, ang init. tas sulat ako. himala, parang nabagsakan ako ng angle bigla sa ulo. thank heavens.

so yun. mga adventures ko.

lovelife-wise... ay, nagbreak na sila ng girlfriend niya. kasi sabi niya, minsan mas gusto pa niya akong makasama kaysa dun sa girl. na-guilty, nakipag-break. actually... feel ko, mejo may kasalanan ako sa berak-up eh... kasi naalala ko, the wednesday before that weekend na nakipag-break sha... nag-usap kami kasi napapansin niya na lumalayo ako. eh hello, disente naman ako noh, ayoko ng gulo.

at ang dialogue:

him: lumalayo ka sa kin.
me: akala ko ba napag-usapan na natin to? di ba, respeto ko na lang yun kay ano..?
him: (no reply)
me: eh ano gusto mong mangyari?
him: (no reply)
me: dumidistansya lang ako. ayoko ng gulo.
him: ibig sabihin... mahal mo pa rin ako hanggang ngayon?
me: (pause)... oo naman, hindi ba obvious?
(insert trail of mental curse words here)

leche, pang-love notes. ayoko na.
haaaayyy naku. gusto nga ako makasama, ayaw naman akong ligawan, anong gagawin sa mga lalaking tulad niya, di ba!? putres.

anyway.

fil -15thou bail, lintek ano? justice for precious... =(

jani - i-stalk na kasi eh. malayo ang moro lorenzo? *scratches head in confusion* eh di ba... asa campus rin yun? *scratches head still, frowning..* hehehehe... good luck sa sem planning..

joli - o musta na si papa? yeah, when would we meet him? (at bigla ko raw naisip yung commercial ng Nescafe... "so... anybody care for a cup of coffee?"... rofl!)

news flash 2: si emilie, mag-co-cross-reg sa diliman this summer!!!! YEBAAAAAA!!! =) =) =) this obviously makes me very happy.

hayy. teka ang init. gusto ko nang maligo. at tuturuan ko pa pinsan kong si mark ng trigo at stat. quarter exams week na eh. =)

mwah gurlies! tC!

Friday, February 28, 2003

haayyy gurls! =)

agh galing ako ng Quirino Grandstand... oh well, almost, kc kinailangan ko rin umalis kaagad dahil mei hinahabol me! takot akong gabihin! tas di naman pala kami tuloy sa live aids huhuh so sad sana nakarating pa me ng prayer rally... shet. ang trapik naman kasi eh. bwiset. pero uber saya kasama nung mga tibak na taga-MassComm! share ko lang... yung mga tipong mukhang kikay ever pero nakikita mo dun nagrarally... la lang.

no to war! peace on earth! =) sana matauhan na si GMA!

UP Peeps -- bumoto po tayo sa March 4! =) "STAND-UP" and be COUNTED! ehehehhe...

mamamatay na ata ako sa journ! matapos kong pagpaguran ng pawis at dugo ang isang article, duduguin pa rin ako sa grade! pakshet!

hayyy joli -- BOYFRIEND!!! hahahaha... i'm so happy for you. astig ka talaga. sana makabingwit na rin ako ng akin... not. AT... in fairness, mukhang pang-hallmark card ang musings mo... heheheh... ganyan ba talaga kapag in love?? =)

fil -- front page sa kule si precious. =(

jani -- ehehhehe oo nga, sa mga ginagawa ko sa journ, feel ko dapat may sweldo na kami! hehehehe...

fil ulet -- seryoso kaya yung suggestion ko sa blog mo. wahahahha that is sooo me.

hayy pagod na ako. nag-net lang ako para mag-unwind. feel ko mababaliw na aketch eh.

see you when i see you! (and hope i'm still sane by then... =p)

Thursday, February 27, 2003

hello...
yeah, pumunta pala me nung wake ni precious. grabe ang tatag ng mom nya... wala lang. at ito...taga-ICTUS pa pala ung driver.(religious org un sa UP)peroinactive po siya.

ang hirap magtype d2 sa AS...pagpasenxahan nyo na spelling ko...hehe

yuck...defensive mode lang, masaya magkabf (kc kung saan2 nakakarating lalo na may tsikot& wla nakakinspire na someone believes in you so much na you start believing in yourself nadin...naks! pang-hallmark card)
pero as of the moment...sa tingin ko nde naman ako engrossed sa buhay attached... usually TF kami nagmimit kc loaded ako pagMTh... buti un dba para may breathing space at nagpapamiss din kami sa isa't-isa...
odba feeling expert?well, nde pa kasing expert ninyo...wala lang gus2 ko lang magshare...:)

pasensya na talaga kayo nde me masyado makapost kc mahirap talaga alang pc...nagtitiyaga lang me sa net places sa UP. sana magkaroon na sa bdghaus namin ng pc...un nga lang i doubt kung magkakaroon ng internet...hay buhay! pero carry lang...

kate- ako mahilig manood ng sine... pero nde ko masyado naiintindihan kc iba gnagawa ko...joke! grabe lalo pang lumalabas na talaga pagkagreen (notice how i used "green" instead of bastos...hehe:) ko since nagkabf me. BUTI NALANG NDE KO inaaply in real life...hehe uy...totoo yan...im still pure :)
ano yang mga nangyayaring yan sa blogs nyo...cge titingnan ko nga l8r...tnry ko iview kanina..ung kay fil lang nakita ko...

jani-helloe? musta na ba si ali? ano gnawa nyo nung vday? musta na ung liplocking friend mo...ung dare guy...wala lang!

fil- musta ndn? ako eto mejo lowtech...staple na nga ako ng alicia's at AS computerlab...kc naman bihira na ako sa bahay namin...kaw ba taga-DLRC pa rin? malamang no? cge, bisitahin kta minsan... nakakainspire blog mo... sana nde na ako magprocrastinate at gawa ndn ako...nakakamiss magsulat! :) ang hirap lang kc pag alang computer..nde me masyado pati comfortable pag nasa net places...wala lang... gus2 ko ala masyadong tao tska nakakapagpace ka pagtinatamad na magtype.

ako din mejo so-so lang ang grades pero carry lang kc masaya naman pumasok sa skul kahit para lang sa org...!tsaka balak ko magshift sa econ para maraming electives! take me ng masscomm& art ekek subjects:)
un lang mga friends...miss u all na... sana makabisita tayo sa bene dis summer:) nde ko pa kaya nakikita sports complex! over and out... JA BOOM!:))

Sunday, February 23, 2003

uuuuuyyy!!!

buhay tayong apat!!! :) hehehehe.. this makes me very happy...

joli - langya ka! mei love life ka na! iniwan mo na kaming mga nasa lonely hearts club!!!! waaaahhhh!!!

fil - uy. musta yung wake ni precious? =( na-sad talaga ako...

jani - waaaah!! ako napapabayan ko na sarili ko! di na ko nakakanood ng sine!! huhuhu...

anyway gurlies... kung mei gustong makaalam just how suicidal i'm getting lately, check out my blog -- mantakin bang gawin kong desk planner ang blog ko?! share ko lang.

i miss you people!

Wednesday, February 19, 2003

hi nasa net cafe kami sa philcoa...
nagcut ako ng class kc may sakit ako..but no, nagnet cafe sa philcoa instead na magpagaling!
isa nanamang proof na BI ang UP! jk:)
aiun, gagawa pa me ng article 4 d econ paper at wala akong maicp... dapat kc tungkol sa graduatioin e...
luv na luv ko kayo kaya dumaan muna ako dito...
kasama ko pala si pau, isa sa mga taong BI sa UP...
say hi pau:
hi!!!!
-xa nagtype nun o dba?

bye friendships! hanggang sa susunod na installment, k?

:)


oi nabuhay ako...
may boyfriend n pala ako...his name's paulo :)
ksama ko xa nung wednesday night sa fair...sayang nde kta nakita kate!
quiet lang pala kayo legal lang sa mom ko...
BI ang U.P....nagyoyosi si kate, c fil umiinom...ako nagppractice ng free love sa lagoon...JOKE! un pala sa univ hotel...valentine madness e....JOKE ulit! BI ang UP!
nagred ako nung valentines (trip maging corny and dhl anti-war--charing! ) at ang saya terno kme ni pau...
buti nalang bago kme nagpowerplant (hanep gumimik tong lalaking to...libre kya sama naman ako!), napalit xa ng damit
e white collared shirt din...terno ko...buti nalang nde red kundi grabeh na...
SORI nde ko pa nababasa lahat ng msgs...inaan2k nkc me, alang 2log kgabe napagod kaka....um .... u know...
jk! cram lang po ko kgabe...ala naman kme masama gnawa! :)
snxa na dalang ko magpost kc nakalimutan ko na maginternet...nasobrahan sa abstinence frm d net :)

a basta mahaba na 2...baka sa wkend or nxt week na ako makapost ulit buhbye

Thursday, February 13, 2003

honga, red shirt day... pano yan, eh mag-iitim ako!? wahahahaha... shet.

anyway... UP FAIR ROCKS! AS IN!!! hehehe RIVERMAYAAAAA!!! wahahahha.. had a roaring good time singing along to Elesi while jumping the freaking hell out of myself like there's no tomorrow... sarap. as in mga alas-2 na ako nakauwi kaninang umaga... hehehhe... BI ang UP! of course! hehehhe...

and i'm telling you. sa UP ako natutong mag-yosi! think about that huh.bad influence talaga harharhar. but i sure didn't like the drinking part. blech. so maybe i'm not a drinking person, after all.

Fil. SUMAKAY KA NG OCTOPUS!!! magsama ka ng FAFA!!! wahahaha... wala lang. nung sumakay ako ng octopus last night, kasama ko si albert, yung blockmate kong nagshift jan sa engg... wahahahah ampucha mas takot pa sa ken yun eh! heheheh nakakaaliw... and make sure you ride with somebody you can swear like mad with... promise.

saraaaap!

anyways. pinapatay pa rin ako ng journ, pero heck, what's new with that? *wink*

Wednesday, February 05, 2003

true. bush is... arrrrgh. di nag-iisip, tragiz. nandadamay pa ng ibang tao. shit.

friday, Fil -- white shirt day, no to US War =)

Make Love Not War! True!
oh shit. i need a date on the 14th.

Sunday, February 02, 2003

yes, "Only You"... naisip ko nga na mali yung title eh... para appropriate sa situation ng nakararami, dapat "Only Me" yun eh... waaah... ever had that feeling na you're so alone kahit na andami-dami mong kasama?

nakakaloka. yun lang.

Saturday, February 01, 2003

multi-sectoral walkout
kate shifts to tibak mode

inaanyayahan po namin ang lahat na sumali sa MALAWAKANG MULTI-SECTORAL WALKOUT sa feb14 bilang PROTESTA sa pagkakaroon ng...

VALENTINES DAY!

valentines, i-boycott!

hehehehee...

anyway... grabe. nanood lang naman ako ng Only You (Robert Downey/Marissa Tomei) sa Sunken kagabi... swear. date movie sha, pero as usual, ang kasama ko eh ang aking ever-reliable grrrlfriends. hay. lamig pa naman sa Sunken kagabi.. brr. pero sarap magsenti under the stars. we should try that one of these days. hehehhe.

maternal instincts. wheeee. yes! DISCO! yes! yes! (hehehehe excited.)

anyway. Stephen Speaks concert. punta ba kayo? =)

ASAN SI JOLI?!?

good luck sa ting lahat. di pa tapos ang kalbaryo, pero... keri lang! =)

mishu!

Saturday, January 25, 2003

and even more bene news

jusko! ayoko nang magbasa! susme andaaaamee... tama na muna, magbo-blog muna 'ko... *chucks pile of readings to one corner*

hay. ayan.

cheering. nde ako nakanood ng cheering. ibinalita lang sa ken yun eh.
niwei. nagkita kami ni guiller kanina, kasi nga di ba field demo ni wylo kanina... pero sabi nga niya, he's proud of the juniors. mukhang itong batch nilang to ang nag-break sa tradition ng kampihan (yung 1st-3rd/2nd-4th scheme? remember that?) kasi balita ko tinulungan ng seniors ang freshies at sophies na buohin yung mga performances nila chuva... well, if that's the case, it's a win. trophy or no trophy, it's a win.

field demo. masasabi ko lang... magkapatid nga kami! wehehehhee... grabe, init ng sikat ng 10am sun, mega-give na give ang aking little brother in the front line! (hehehe front line dahil maliit! hirap talagang maging cute! whahahaa....) ang cuuuuuute ng mga prep, sobra! sabi ko nga... prep na pala kapatid ko!? whatda?! (sagot nga ni auntie, "oo, nung June pa sha actually prep eh...") >> duh, malamang?
anyways. ayun. ako, nagmukha akong stage-mother (to think na hindi naman ako mother! imagine?!) kasi mega may hawak na video cam tapos mei nakasabit pang camera... aba, daig ko pa turistang nag-around the world sa dami ng paraphernalia ko, uber. tapos imagine niyo na lang na tumatakbo-takbo ako around the field kahahanap sa kapatid ko! bongga. ever. saya.

bene structures.
alam niyo ba na hindi pa sila nakuntento sa paglalagay ng "fire exit" sa west wing, naglalagay rin sila ngayon sa east! maria save us!

jani -- hmm D. all-essay, BRUTAL! grabe. pero tama ka. there's more to life than high grades. like... friends. and conversations over coffee. and sunken garden nights. =) juskopo, wish ko lang sa TV! bongga! tapos... tapos stepping stone ko yun, papunta sa... industriya ng bold movies! wahhahaha... =)

*ako... ay isang frustrated FHM model at Bond girl.*

anyways... haayyy.. yun lang.

pupulutin ko na ulit yung readings ko ha... *goes off to corner*

Friday, January 24, 2003

alive alive alive forevermore

bene news.

one -- champion na naman sa cheering ang batch 04. as in yung gagraduate next year. as in yung mga third year ngayon. as in talo sina guiller. boohoo, pero panalo naman pinsan ko hehehehehe...

two -- field demo ni wylo bukaaaas!!!! =)

on slightly suicidal news:

me. i have a twenty-chapter midterm in comm140 on monday; a BC100 report moved on Tuesday, and 3 press releases from the DILG ten paragraphs long each, or perhaps more, and i have to cut them down to not more than 4 paragraphs each, all due on Tuesday too, for journ102 of course; a Senate field trip on wednesday; a breather on thursday; and a hum1 midterm and a j102 midterm on friday.

wheee i am so alive.

and i so miss you. =)

ps joli -- sorry di ako nag-ACLE! as in kahit ano! tumambay lang ako at nagdrown ng sorrows *cough*cough* heheheh...

Saturday, January 18, 2003

masasabi ko lang.
natatakot akong maging man-hater! yun lang! =)
pero kasi bwiset sila eh! hehehehe... unrequited ang walah. yun ang uso eh. kelan ba mawawala sa uso yun?!... *wink*

and jani -- myyy god, dapat pinapanood mo kami ng iyong performance! hehehhe... walangya, actress ka na ngayon!? hehehehe... naks, so proud of you, versatile ka talaga. *grin*
actually, about journ class... iikot kami sa Court (RTC lang ng QC), DILG/City Hall, House of Reps chaka yun nga Senate... hanap ng news stories. mukha nga kaming mga ewan eh. ako kung saan-saan na ako nakakarating, considering na commute-phobic ako dati hehehehhe... o di ba. shet nag-go-grow ako! =) actually, that's the only thought that's keeping me from going crazy totally -- ung thought na i'm not just doing this for grades... ung thought na nagpapakahirap ako dito dahil kahit papano nag-eenjoy ako at marami akong natututunan, napupuntahan, nakikilala... (shet, masokista)...

hehehehe...

pero unrequited pa rin ang love ko! hehehehe...

Friday, January 17, 2003

fil!
ringu? sa ACLE sa jan24, yung LFS-CMC magpapalabas.. either 1,2,0... pero 0 ata dahil yun yung pinakanakakachaka! ever! hindi ko pa sha napapanood hehehehe... if ever, gusto ko lalaki yung kasama ko! hahahha! kahit hindi ko prospect! basta lalaki! magkasubukan tayo... hehehehe... =)

WAAAAAH! BOOOK FIIIIVE!!!
school sucks. as usual, mamamatay na naman ata ako dahil sa j102. hehehehe what's new? =) imagine, nakikipag-berks ako sa mga security guard at secretary sa Senate para sa isang j102 report hehehee... =) berks ang walah...

wow. parang UAAP ah. windang.

hay wala na akong boylet. binitawan ko na. sabi ko kasi, nirerespeto ko yung *drumroll please* girlfriend niyang bago... bullshit.

oh well. my side of the field. how's everybody else's? =)

Wednesday, January 15, 2003

oh yes. stephen speaks. and by pulling the right strings, yes i think i am going! hahahaha... ewan ko nga eh. actually, part sha ng birthday bash ng friend ko. wheeeee... so whether or not me gagawin ako that night dapat, kelangan andun ako. *kung* naikuha nya ako ng tickets...

waaah di pwede! di pwedeng maubos! hehehee...

Saturday, January 11, 2003

tara! chismis! sabi ko naman sa inyo, frustration ko talaga ang machismis na buntis! lol!

two towers... mukhang matagal-tagal pa bago ako makapanood... huhuhuhu... gusto kong manood ng the ring. *ahem* date movie yun eh... heheheh...

STEPHEN SPEAKS! ATENEO CONCERT! FEB7! UBOOOOS NA TICKETS?!?!??! tragiz why!?!?!?! shhheeeet.... out of my league na live! passenger seat na live! waaaaaahhhhhhh!!!!

Tuesday, January 07, 2003

hahahahahha!!!!

eto lang gusto kong sabihin --- sabi nila pumayat raw akooooo!!! pumayat raw! waaaah would you believe!? hehehehe...

anyway... si Louvelle!? (oy oy oy jani, sabihin mong nde totoo ha... nde totoo... please...]

kelan kya darating ang panahon na *ako* naman ang machichismis... hmmmmm....

sabi nga ng aking wais na kapatid na si wylo:
di ba ate kapag malaki ang tiyan may baby sa loob? *eyes me suspiciously* ikaw?

harrrr brotherrrs! =)

di pa ko nakakapanood lord of the rings! waaaah! =)

Friday, January 03, 2003

uy fil! online ka ren noh!? hehehehe..

weasleycest! lol... ah basta. mukhang... Cho/Ginny ako ah! hehehehe... astig. me nabasa akong ficlet.. ang cute, yung tawag ni Cho kay Ginny eh 'Red'... ahahahahha... *shiver* i should get a redhead as one of my characters... can't resist the nickname -- Red, and when i'm on a worse mood, Strawberry... *rofl*

simang! simang! hello, expected ko na kay Matet yun noh... demonyita. lol. dapat si matet yung nag-best actress eh. mas mahirap yung ginawa niya hahahahaha.... pero swear. simang/yayo aguila together -- yun ang di ko maalis sa isipan ko... creeeeepy factor ninety-nine...

gollum/dobby!? waaah!? fawkes/hedwig was bad enough... and VOLDIE/VERNON!!!! wahahahaha... naiimagine ko na, grabeng S&M yun! lol... (hmm S&M...)

okay, okay, probably freaking you out, so i stop now.