Wednesday, May 21, 2003

hindi pa sigurado yung sa inquirer noh! anim pala kami, from the initial ten, feel ko ina-narrow down pa nila yun noh.. pero malay naten... *grin* sana SANA sana...
anyway, nung pinapunta nga pala ako nung monday eh pinakuha kami ng IQ EXAM! o di naubos ang powers ko davah!? jusko. at mantakin, mei psychological/emotional test pa cheneleng..(feel ko yun ang ibabagsak ko... ahehehe...) =) niwei... jusko, natuwa ba raw ako't marunong pa akong mag-add! hehehehe.. nakakaloka.

tapos kahapon, pinakuha ba naman kami ng medical exam! as in, physical cheneleng... pre-employment chenes, ako naman, WHAT?!? di bale, sagot naman ng inquirer... kaso lang, napapadalas ako sa makati... 1) mahal, 2) nakakapagod, 3) nakaka-O.P... krimen pala ang mag-maong dun eh... gosh. niwei, right now, kinakabahan ako sa result ng x-ray ko. baka i-send nila sa mga magulang ko, patay ako... feel ko bagsak din me dun sa lintek na physical exam na yun ehehhehe...

ay nako jani, kapag ako naging journalist, isa ka sa mga ifea-feature ko... future president of the phils, CHENES! =) top businesswoman, future owner ng mga mala-Lopez group of companies... naks, *wink*

nakakabaliw si DAO!!! ay help, meteor garden na naman... hehehe... nanood kayo ng klasmeyts?! nakita ko yung commercial, nakakabobo heheheheh... anyway, di ko napanood yung thing itself, pero based sa kwento ng basketball teammates ko mukhang okay sha..

speaking of basketball... pakshet, ang sakit sakit sakit ng katawan ko... sabi ko nga sa sarili ko, kate, bola ang tumatalbog, hindi tao... jusko naman... grabeng rough play yun o... shet.

sightings. nakita ko si joli kanina lang sa gym! at ang PE niya pala ay... STRETCHING! hehehehe... in fairview, astig yung PE na yun. not to mention bahagyang cutie pa yung prof niya, not bad...

AY WAIT!

meron pala akong magandang balita. actually, salamat sa physical exam kahapon at nalaman ko na... i lost fifteen pounds! at ako naman - OH. MY. GOD. kasi before summer classes nga, i weighed 130lbs, tas kahapon, 115 na lang! ang saya saya saya!!!! =)

so yun. ang sister ni fiona AJ 36? at... mas malupit pa kay fiona herself? AY HELP. ang powers niya... ewan ko na lang.

uy. wala nang THE HOURS sa mga sinehan... pakshet talaga. arrrrgggghhhh... kaya nanood na lang ako ng Matrix. Which, by the way, i liked. really. i don't know, sana lang hindi sha ganun ka-mushy, sana kasing emotion-less at deadpan at downright actionpacked chuva ng Matrix 1 ang Matrix 2... yun lang. di ko kinaya si trinity at neo eh.

or maybe bitter lang ako... hehehe, pwedeh! =)

sha. gagawa pa ako ng *tula*... ay help. isa na laaaaangg.... =)

Sunday, May 18, 2003

waaaaah!!!

meteor garden!!!

akin si dau! (or dao! or whatever!) heeheheh... astig ng character niya noh?! ehehehe... sounds familiar, actually... gagong sweet na ewan... hehehe... nakakabakla ang meteor garden, swear! once ko pa lang sha napapanood pero i get episode summaries from my classmates everyday! heheheh astig... nakakaloka sha, promise.

and don't we all hate mysterious, sensitive, brooding guys?! *cough*pancho*cough*...

vivere! onga, antagal na pala nating nagkasama-sama noh!? hayyyyy... kelan kaya mauulit?! (sana wag naman kapag kinasal na si pau at joli... mejo matagal pa yun... hehehehhe...)

niwei. naikwento ko na ba sa inyo yung tungkol sa scholarship na ino-offer ng inquirer? wala lang, para sa mga incoming third year journ majors, ewan ko nga rin ba kung pano ako nakasama dun sa lista, baka mahal lang ako ng dept namin heheheh... niwei, yung first part eh on the spot feature-writing cheneleng last last week, tuesday... tapos, they called last thursday, sabi nila i should come back to the ofc this afternoon... hayun. mejo excited aketch na ewan, pero malay ko ba kung pinapupunta lang ako para lang sabihin sa akin na hindi ako pumasa, davah?! :)

heheh. so yun, so much for me. nababaliw pa rin me sa psych.

at sa meteor garden. *grin*

at sa buffy, na matatapos na sa States tomorrow, waaaaaaahhhhh... *sniff* wala nang buffy, ever, EVER!

but tonight, it's the buffy season six finale... which, obviously, i am heavily promoting hehehehe... hayy mga walang magawa sa buhay...

and for other promotions... wla lang, baka interesado kayong tingnan kung anu-ano ang pinagagawa ko sa UP, you can check out our block website @ yebatribe.cjb.net.

wala lang. miss ko na kayo.