Thursday, July 10, 2003

pana-panahon

wala lang. nakita nyo na ba yung bagong commercial ng McDo? *sniff* kinilabutan ako at naluha. ang galing talaga ng advertising people ng McDo... huling-huli nila kung nasaan ang puso ng pinoy...

share ko lang.

Wednesday, July 09, 2003

updatage

oh well. july pa lang, sarado isang buwan pa lang akong pumapasok, putagiz, parang feel ko mamamatay na ako! sana matapos na ang sem na to!!!

tapos, ang bigat-bigat pa ng feeling, kasi naman may inquirer scholarship na nakapatong sa ulo ko ngayon, kaya extra-bigat ever ang journ load... tapos, terror pa ata talaga yung prof ko sa j121, putres, di marunong magbigay ng grade na higher than 1.75 eh 1.75 kaya yung maintaining grade sa inquirer!?! pucha. ang bigat. okay lang sana kung walang scholarship eh. kaso meron. at 8thousand rin yun,nakapatong sa ulo ko...

paano kaya kung sinwerte lang pala ako nung pumasa ako sa inquirer? at pano kung ubos na pala ang swerte ko..

nakakalungkot isipin. *SNIFF!*

anyway. other updates... um, nasa collegian na naman ang maganda kong pangalan at cellphone number. ubos na naman load ko kasasagot sa mga aplikanteng nagtetext. shet. bakit ba hindi sinama sa announcement ng chairperson namin sa kule na single ako at available!??!?! sigh...

nga pala. FRIDA ROCKED! grabe, sobrang astig. =)

anyway.. yun lang. wala pa rin akong panahong magbasa ng harry potter... yun ang nakakaiyak.